Lunes, Oktubre 17, 2011

Misyon

Misyon
Mula sa panulat ni Melchor S. Dapanas Jr.

            Isang araw nang magising sa lakas ng alarma ng kampo nila, nagmadali at nag ayos na ng pang yuniporme si Gab. Habang naka pila sa kanyang linya, naalala nya ang kanyang buhay bago makapasok sa militar.
            Bumalik sa kanyang alaala noong hinatulan sya ng panghabang-buhay na pagkabilanggo sa salang pagtangkang pumatay ng tao. Labis ang lungkot ang nadama nya lalo na ang kanyang ina na may hawak-hawak pang rosaryo habang taos pusong nagdarasal. Bigla na lamang pumatak ang luha ng kanyang ina ang marinig ang sentensya ng anak. Mahal na mahal nila ang isa’t isa, subalit ang kanyang ama ay malupit at walang awa. Hirap na hirap si Gab sa pakikitungo sa kanyang ama dahil palagi sila nitong sinasaktan. Kaya lamang nila natitiis na makisama ay dahil sa nasusustentuhan nito ang kanilang mga pangangailangan lalo na ang pag aaral nya.

            Subalit isang gabi, isang linggo matapos ang graduation ni Gab na pagod na pagod galling sa paghahanap ng trabaho ay nadatnan nya ang kanyang Ama na sinasaktan ang kanyang Ina.

BADONG:      Wala kang kwenta! Puro na lang satsat ng satsat. Manahimik ka nga                          @$%^&. (Sinuntok nito si Anita sa tyan)
ANITA :           Ugh, parang awa mo na. Tama na Badong tama na. (Sambit ni nya habang  nakahandusay, umiiyak.)

            Nang makita nya ito ay dali daling pumasok at niyakap ang kanyang ina at umiyak. Nandilim ang paningin ni Gab at tinulak nya ang kanyang ama sa pintuan.

GAB:               Tama na!
BADONG:      Aba! Ang kapal mong makatulak sakin. Bakit? Papalag ka na ba ha? Di porket nakatapos ka na eh siga sigaan kana ditto sa bahay na to, baka nakakalimutan mo ako nagpaaral sayong bata ka.

GAB:               Oo nga ikaw nga ang nagpaaral sakin, pero sa bawat araw na nilagi ko sa bahay na to, pinagpaguran ko. Naging sunod-sunuran kami sa mga layaw mo kahit mali at labag sa kalooban naming. Pero sumosobra ka na talaga! (Sabay suntok sa ama)

BADONG:      Kaya mo naba buto mo? (Gumanti ng suntok)
ANITA:            Tama na anu ba!

            Kinuha ni Gab ang upuan at hinampas kay Badong at nawalan ito ng malay. Sa lakas ng pag kakahampas nito ay nasira ang upuan at duguan ang kanyang ama. Pinilit ni Badong ibangon ang sarili ngunit di nya ito nagawa dahil sa paulit ulit na pag tadyak ni Gab at pagkatapos ay nag dali-dali itong kumuha ng kutsilyo sa kusina sabay tinutok sa ama. Ngunit di man nagawang patayin ang kanyang ama dahil sa kanyang kaibaitan at kahit papaanoy pagmamahal para sa ama kahit na sila ay pinamamalupitan nito. Matapos ang pangyayaring iyon ay kinasuhan at ipinakulong si Gab ng kanyang ama.

            Ika tatlong araw palang ni Gab noon sa bilangguan noong akala nya ay palalayain na sya dahil may gusto daw sakanyang kumausap na Opisyal ng militar.

MAJOR:         Gusto mo bang makita ulit ang iyong Inay?
GAB:               Gustong gusto ho! Gagawin ko ang lahat, palayain nyo lang po ako dito.

MAJOR:         Kapag pumayag ka sa gusto ko, makakasama mo na ang pamilya mo sa loob ng dalawang taon.
GAB:               Bakit po dalawang taon?

MAJOR:         Dahil ikaw at iba pang mga preso na akin mismong pinili ay sasabak sa isang puspusang training upang maging isang alagad ng gobyerno.
GAB:               Lahat po ng gusto no gagawi ko po. Kahit mag sundalo pa ako.

MAJOR:         Hindi lang basta basta isang sundalo, kayo ay magiging isang espesyal na grupo na lilipon ng mga kaaway sa Vietnam. Pumirma ka lang dito at garantisado na ang pagkakataon mong makapiling ang iyong ina.
GAB:               Maraming salamat po. (Pumirma ng kasunduan)

            Lumipas ang isang taon ng paghahanda ni Gab, panibagong araw nanaman at mas matinding pagod ang kanyang haharapin. Habang nakapila sa kanilang pormasyon nakita nya ang kanyang mga kasamahan nya na pinahihirapan dahil sa pagtangkang tumakas.

GAB:               Kaya pala nag alarma.
KENNETH:    Sarap panaman ng tulog ko, napaginipan ko ang asawa ko.

GAB:               Isang taon na lang pre, konting tiis na lang at makakasama na natin ang mga pamilya natin. Tiwala lang.

            Nakita at naramdaman ni Kenneth ang damdamin ni Gab. Lalong nagkaroon sya ng nais para mag pursigi at magtiis.

KENNETH: Tama ka pre, kaya natin to. Magtulungan tayo. Salamat.

            Lumipas pa ulit ang isang taon, araw na para sila ay ipadala sa gyera. Lahat sila ay handa na lumayag sakay sa tatlong raft boats. Upang di mahalata ang kanilang gagawing ambush sa base ng kalaban. Di nag tagal ay pinahayo na sila ni Major Cariaso, subalit di pa man sila gaanong nakakalayo ay nilapitan siya ng isang sundalo upang ipagbigay alam na nililiban na ang pag sugod ng kanilang grupo sa Vietnam. Nag karipos sina Sgt. Jugs at Sgt. Teddy (ang mga katiwala ni Major Cariaso) na habulin ang grupo at pigilin sila sa paglayag patungong Vietnam.

SGT. JUGS:   Itigil nyo ang paglalayag at bumalik kayo sa kampo ngayon din!
                        (Napa tigil ang mga presong sundalo)
GAB:               Bakit kami titigil? Sa akala nyo bang mas malakas ang kalaban? Handa na kami, kaya naming ito. Kaya kami nagpakahirap ng dalawang taon para sa araw na to, di kami aatras.

SGT. JUGS: Inuutusan ko kayo! Mag sibalik kayo ang mag assemble sa kampo!
GAB:               Hindi kami babalik! Mga kasama! Sagwan, sagwan! Lumaban tayo para sa pamilya natin!

SGT. JUGS: Hangal! Kailangan mo muna ng permiso sa taas bago gumawa ng hakbang!
GAB:               Hindi ako nagbuhos ng dugo’t pawis para lamang umatras. Mga kapatid! Sagwan para sa laban! Sagwan lang, makikita na natin ang ating mga minamahal pagkatapos nating manalo! Sagwan! Sagwan lang! (Naimpluwensyahan nya ang kanyang mga kasama na sumagwan)

SGT. JUGS: Sinabing iliban ang paglayag! (Hinawakan ang Machine Gun at itinutok sa mga Bangka ng mga presong sundalo, inawat naman ito ni Sgt. Teddy dahil baka tamaan ang mga presong sundalo.)

Hindi natuloy ang plano ng elite na grupo ni Major Cariaso dahil sa kinansela ng Presidente ang misyon at iniutos pa nito ang pagligpit sa grupo. Tulala si Major Cariaso sa order ng president na iligpit ang kanyang pinahirapang grupo ng dalawang taon. Ngunit wala syang magawa dahil kung hindi nya gagawin ay ang president mismo ang mag uutos ng ibang sundalo na lusubin at linisin ang kampo nila. Sa isip ni Major Cariaso ay hindi nya kayang gawin ang pinagagawa sakanya, kaya umiisip sya ng paraan para di masayang ang kanyang mga idea para sa pagkapanalo sa gyera at misyon. Inutusan nya si Gab para ikuha sya ng maiinom ng tubig, pagkatapos noon ay pinapasok nya sina Sgt. Jugs at Sgt. Teddy para sa kanilang opinyon sa utos ng presidente. Habang naguusap ang tatlo sa opisina ay nakikinig sa pintuan ng di napapansin si gab. Doon nya nalaman na kaya pala sya pinakuha ng tubig para marinig ang mga mangyayari.

SGT. JUGS:   Masasayang lahat ng pinaghirapan natin! Di ako makakapayag!
MAJOR:         Wala tayong magagawa, utos ito ng presidente dapat natin iligpit ang grupo kung hindi ay lilipunin tayo kasama ng mga presong sundalo.

SGT. JUGS:   Anung gagawin natin? Bakit mo kami pinatawag?
MAJOR:         Gusto kong kayong dalawa ang mag desisyon, kaya ka ko kayo pinatawag.

SGT.TEDDY:Gusto mong patayin naming ang mga hinubog naming ng dalawang taon?
SGT.JUGS:    Wala ka nang magagawa. Kailangan natin silang ligpitin kundi tayo ang dehado.

SGT.TEDDY:Hindi! Ayoko. Aalis na lang ako kesa pumatay.
SGT. JUGS:   Ayos lang din naman dahil mga preso din naman sila na nakasentensya ng panghabang buhay na pagkabilanggo.

SGT.TEDDY:Hindi makatarungan ang pagpatay! Aalis na ako.

            Umalis si Sgt.Teddy sa isla habang nakasaludo sa kanya ang mga kanyang mga preso. Pinaalam ni Gab ang mga narinig nya sa mga kasamahan nya.

GAB:               Dapat na tayong lumaban di tama ang gagawin nila satin.
KENNETH:    Tama si Gab, kung hindi ay papatayin tayo.

GAB:               Kelangan nating gawin ang lahat para makita ang mga mahal natin sa buhay. At ang tanging paraan lang ay ang paglusob natin sa Vietnam!

            Bago pa man makagawa ng aksyon si Sgt. Jugs ay napalibutan na sila ng mga presong sundalo. Ngunit lumaban pa din hanggang sa huli kahit na sila ay walang laban dahil sila ay napalibutan na nga. Ganun pa man ay may mga namatay padin sa kanila.

KENNETH:    Ano na ang gagawin natin?
GAB:               Pupuntahan  natin ang presidente!
            Sakay ng pampasahero bus na kanilang hinarang sa daan, naglalakbay na ang mga preso patungo sa presidente.

BATA:             Huhuhu. Mama, natatakot ako.
NANAY:          Shh. Wag kang umiyak, tumahimik ka baka barilin tayo. (Takot na takot)

GAB:               Wag po kayong mag alala, wala po kaming balak na saktan kayo, ang nais laman namin ay makarating sa opisina ng presidente.

            Ngunit napansin nila na may harang sa kalsada, yun pala ay mga armadong mga sundalo na nag aabang sa kanila. Walang takot ang namuo sa mga puso ng mga preso, dumiretso sila at pinasok ang harang na barakadang gawa ng mga sundalo. Hanggang sa isang banda na napahinto na lang ang bus dahil sa patuloy na pag baril ng mga sundalo. Pinababa ni Gab ang mga pasaherong naka sakay sa bus. Sugatan na din ang ilan sa mga kasamahan nila at sila na ay lubhang sugatan. Doon ay nawalan na ng pag-asa ang mga preso.

GAB:               Maming salamat sa pagsamasama natin, kung hindi dahil sa pag tutulungan natin ay di tayo makakarating dito. Wala na tayong takas at malamang hahatulan din tayo ng kamatayan pagkatapos dito kaya mas marangal na dito na lang natin wakasan ang ating mga buhay. Isulat natin sa bus na ito ang mga mensahe natin sa ating mga pinakamamahal mula sa ating sariling dugo.

            Nagpakamatay ang mga sundalo sa tabi nga mga kani-kanilang mga sulat para sa kanilang pamilya, asawa at kaibigan.

-WAKAS-